Nakakamiss Lang Kasi Song Lyrics

-

Are you looking for Nakakamiss Lang Kasi Song Lyrics then you are at right place. Here we provide you full song lyrics of this song.

Nakakamiss Lang Kasi by Smugglaz

Na na nana Na na na na Na na na na na na… 2x
Madaming nangyari taon ang binilang ka jaming kong pare
Napapangiti lang ngayon naalala maulit yun sana
Nakaka miss lang kasi
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naaalala mga bagay na to
Kay sarap balikan tamis na nagdaan
Nakaka miss lang kase
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka naba, Kamusta naba sya
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon
Inuman kulitan harutan asaran
Nakaka miss lang kase
Smugglaz & Curse One
Kamusta ka naba Smugg, ok lang naman Curse
Kamusta ka naba Curse, ok lang naman Smugg
Salamat at nakagawa nanaman tayo ng isa nanaman kanta na tila makapagbagbag
Damdamin kundi pag babahagi din ng bawat pangyayari sa mga buhay natin nadagdag
Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag
Oo nga eh, Sa na kung pwede lang tayo,
Lahat ay bumalik sa ating nakaraan
Makikita mo kung merong nawala na sa ngayon
Mga bagay bagay na di na pwedeng balikan
Makulay ang ganda, ang sarap pag masdan
Makulay ang ganda, ang mga nagdaan
Sa likod ng nilakaran ko, nadala ng kapalaran ko
Bakas ang mga aral, sa ating mga karanasan ngayon natutunan ko
Ang tama at mali teka sandali kamusta na kaya yung iba
Yung iba sikat na, yung iba angat na, yung iba may mga anak na
Sana naman tayo di magkalimutan
Ano man ang mangyari kapatid o pare ilang ulit man madapa tuloy lang
Sa mga pangarap natin, kahit ano pa mangyari ay wag kayong bumitaw
Dahil pangarap natin bukas
Chorus
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka naba, Kamusta naba sya
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon
May kanya kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
Sana’y laging maalala niyo noon kung ano tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman kulitan harutan asaran
Nakaka miss lang kase
Dello & Flict – G
Kamusta kanaman Dells ok kanaman ba,
Ok naman Flict laging click mga rampa
Daming nag pa flick mga chick na maganda,
Bigla ko lang namiss makulit na alaala
Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa,
Gusto nyo ng taguan wala pang games mga dota
Tagayan sabayang hagikgik mga tawa,
Kaya parang ba ngayong ay nasa beach makasama
Kasi naalala ko ang katambayan sa looban,
Kasabwat sa lahat ng pagawa ng kalokohan
Pero merong damayan sa problemang kaharap,
Masarap may kadamay gumaan ang kalooban
Naranasan ko noon teka nasan naba yon,
Panahon tayo non tila ba nasa balon
Na punong puno ng alak hawak natin ang tunga,
Ngumingiti ako kasi namiss ko yun bigla
Eh ikaw naman Flict
Uy dello,
Para bang malalim iniisip mo
Ha oo nga
Di ko lang talaga mapigilan na isipin ang mga bagay nato
Ang alin,
Yung sana maulit natin ang mga panahon na dati
Wala pang kamalay malay sa mga
Bagay bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa’t isa
Walang hanggan pag ibig tanging laro ang hilig,
Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig
Nangangarap na lahat ng bituin ay mahawakan ng aking mga kamay,
At ang mga kabiguan agad kalimutan sa agos ng buhay ay ipatangay
Repeat Chorus
Madaming ng yari taon ang binilang Kajaming kong pare napapangiti lang
Ngayon naalala maulit yun sana
Nakaka miss lang kasi
Kahit ano pa mangyari wag kayong bumitaw
Hanggat hindi niyo pa abot lahat ng tala sa taas dahil dahil
Nakaka miss lang kasi
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naalala mga bagay nato
Kaysarap balikan tamis na nagdaan
Nakaka miss lang kasi
Sige lang tuloy tuloy tuloy lang
Sana’y palaging kasama kundi kayo
Nakakamiss lang kasi

READ MORE:  Lush Life Song Lyrics

Hope you like Nakakamiss Lang Kasi Song Lyrics. If Found Any Mistake in above song lyrics?, Please let us know through Contact Us page with correct song lyrics.

Recent posts

Google search engine